Friday, April 27, 2007

Diprensiya ng Mayaman sa Mahirap



Pag mayaman ka, meron kang "allergy";Pag mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang".

Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress".Sa mahirap, "sira ang ulo."

Sa mayamang "malikot ang kamay" ang tawag ay "kleptomaniac" ;Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kopanaks"

Pag mayaman ka, you're "eccentric";Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad".

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine".Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan nggutom"

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic".Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba"

Kung ang senorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi" .Pero kung isa kang yaya na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o"baluga"

Kung nasa high society ka, you are called "slender" o “balingkinitan" ;Kung mahirap ka lang, you are plainly called "payatot" o "patpatin" o"ting-ting".

Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay"petite";Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o "unano"

Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump";Kapag mahirap ka at ika'y "mataba", "tabatsoy" o "lumba-lumba" , pagminamalas ka, "baboy".

Kung well-off ka, at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay"game";Kung mahirap ka ikaw ay "pakawala"

Kung mayaman ka ang tawag sa iyo ay "liberated";Pero kung isa kang dukha ang tawag sa iyo "malandi".

Kung maypera ka ang tawag sa iyo "single parent";Pero kung wala kang trabaho ang tawag sa iyo "disgrasyada" .”

Health conscious” ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain;Habang “nakakaawa” ang mahirap na kumakain ng ganito.

Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro.Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawagsa kanila ay "walang hiya".

Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into seniorcitizenhood";Ang mga mahihirap ay "gumugurang" .

Ang anak ng mayaman ay "slow learner";Ang anak ng mahirap ay "bobo" o "gunggong" o “inutil”.

Kung mayaman ka at malakas kang kumain, you flatter your host who says,"masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking"; Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, yourhost will say to himself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa" o "masiba".

Kung boss ka at binabasa mo ito sa PC mo pag oras ng trabaho, "okay lang";Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay "nagbubulakbol" o “pume-petiks.”

oh yeah.


Posted in Friendster Blogs on Mar. 9,2007

No comments: