Ang dami nilang nasasabi tungkol sa dreadlocks ko.
Mula sa "marumi", "mabaho", "matigas", "malambot", "parang wig" (oo, sinabi nila yun), "mabango" at "magulo" hanggang sa "parang alambre" (barbed-wire), "parang wig talaga" (oo, kasama yun), "ampanget" (!!!), "parang yung nasa t-shirt... si... si... JIMMY HENDRIX."
What the f--k.
Lahat ng iyan ay nag-lead sakin para mag-isip kung bakit nga ba ako nagpa-dreads. I feel I don't deserve all the negativity over 19 clumps of hair plus the discriminating remarks over them. (putangina nila.)
Yung iba sa 'tin, gustong magpa-tatoo, magpa-pierce ng ears, nipples, bellybutton, lips, tongue at ng armpits (sinabi ko lang yun). Yung iba mas gustong magpa-haba ng buhok hanggang puwet, magpakalbo, magpa-kulot, etc.
Ako, mas pinili ang magpa-dreads. Pwedeng: kasi nakaw-pansin, kasi astig, kasi low maintenance, kasi favorite ko ang reggae music.
At pwede ding: Kasi gusto kong lumaya sa typical na pagtingin ng tao sa kapwa tao.
Hindi madaling magtiwala ang society sa taong may kulay ang buhok, may tattoo, may piercings sa katawan, longhair, kalbo at siyempre- sa naka-dreads.
Para mag-survive tayo sa community, dini-dictate ng society sa atin na dapat maganda, maayos at mabango tayong tignan physically and that includes having silky, black (or otherwise) hair (sabi ng shampoo commercials).
Oo nga naman.
Hindi tayo papapasukin sa klase at trabaho, hindi tayo tatanggapin sa ina-apply-ang trabaho, pagtitinginan tayo sa simbahan, malls, palengke, jeepneys, restaurants na parang karga-karga natin ang EBOLA, at madaling tayong mahusgahan ng ating mga "elders" kasi hindi nila "dig" ang napili nating fashyown kapag hindi maayos ang ating pananamit lalong-lalo na ang ating buhok.
Tatawagin kang adik, siraulo, satanista, manyak, walang kuwenta, basagulero, at iba pang terms na kasama sa listahang yun. At sila, habang naka-gel o mousse (uso pa ba yun?) ang buhok at nakasuklay ito ng maayos ay patuloy nating rerespetuhin at kaagad na papapasukin sa ating mga bahay, offices, schools, restaurants atbp.
Biruin niyo, dahil lang sa buhok,ako ngayon ay adik, siraulo, satanista, manyak, walang kuwenta, at basagulero samantalang ang boss ko sa trabaho na hanggang ngayon ay nambababae parin sa edad na 50 ay isang distinguished gentleman.
What the f--k.
I hope the next time we look at a person with a strange (OR weird) fashion sense, we'd try and create a conversation with them first. Malay niyo, baka mas sensible pang kausap yang mukhang adik sa harapan ninyo kesa sa mga pa-cute at pa-genius na katabi niyo. Hehe.
Sa bandang huli, yung taong may buhok na mukhang "marumi", "mabaho", "matigas", "malambot", "parang wig", "mabango", "magulo", "parang alambre", "parang wig talaga" o "panget" ay puwedeng magpagupit isang araw.
Yung gagong tumawag sa kanya ng ganun ay gago pa rin hanggang kinabukasan.
Ayos.
Posted in Friendster Blogs on Oct.10, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment