Friday, April 27, 2007

Nawalang parang Bula, dahil sa Bulang Nangwawala.

Noong October 7 (Sabado), nangyari ang pinaka-ayaw ko sanang mangyari pero hindi naman inaasahang mangyari nung araw na yun.

Nawala ang cellphone number ko.

Oo, cellphone number lang ang nawala sakin kasi mula nung mawala yung cellphone na pinaglagyan ko ng sim ko eh hindi na akin yung cel. (Waaah!) Kasi technically, sa nanay ko yun pero 'di niya alam gamitin at mas gusto niya ang kanyang trusty 3310 kaya "ipinahiram" (read as "binigay") niya sakin yung 7210 (lang naman).

And I thanked her by not remembering where I last put it that dreadful Saturday night.
Sorry mamay!

But enough about the cel, yung number ko ang mas importante sa post na 'to. Hehe.
3 years ko nang ginagamit yung number na yun- isa sa mga gifts sakin ni Beybs Sweety Cupcake nung birthday ko nung 2003. Nakakatawa kasi nung week bago mawala yun eh binibida ko pa sa barkada namin kung gaano katagal ko na siya ginagamit.

Tapos... tapos... Huhuhu. 3 years, 3 years... nawasak ang lahat dahil sa 4 na bote ng Red Horse.
Ngayon, wala akong cel at wala na rin si 0916 287 3531.

Medyo profound (o weird) 'to ha pero di ba sumagi sa isip niyo na kapag binabanggit niyo o ng ibang tao ang celphone number niyo, parang binabanggit mismo ang pangalan niyo? Yung parang may konting sense of pride, may connection.

Yung kada numerong sinasabi nila, parang ini-spell yung mga letra ng pangalan mo?

Baka hindi rin ano? Baka masyado lang akong na-flip sa pagkawala ng number na yun. Baka masyado lang akong na-attach sa number na yun dahil sa tagal ng paggamit ko dun.
OR baka hindi ko talaga binigyan ng importance yung lintik na 3 years sa number na yun.
Baka mas mahal ko talaga yung 4 na bote ng Red Horse?

Ayos.

Posted in Friendster Blogs on Oct.13, 2006

No comments: